Hello sa inyo mga bes, mahilig ka ba sa music? Gusto mo bang matuto tumugtog ng instrumento? Hindi ko na huhulaan kung bakit ka napadpad sa blog ko na ito. Maaring aksidenteng napindot mo lang ito o talagang interesado kang malaman ang nilalaman nito. ( pero nagbigay parin ng hulahoops :) ) Anyways, ano pa man yang kadahilanan na yan eh hayaan mong ibahagi ko sa iyo ang munting aking natutunan sa pagtutugtog ng piano partikular ang pagbabasa ng music sheet.
Ito po yung link.
Ako po ay hindi tagapagturo at lalong hindi magaling sa pagbasa ng musika. Nais ko lang po ibahagi ang aking natutunan.
Sa unang bahagi ng link tinalakay diyan na ang musika ay may lenggwahe din. Mga simbolo at notasyong nakasulat na may katumbas na halaga o kahulugan.
Ang unang unang mapapansin mo dito ay ang limang guhit. Diyan matatagpuan ang bawat notang may katumbas na tunog at bilang. Ang tawag dito ay Staff. Nagsisimula ang pagbasa mula sa baba pataas. :)
Sa Staff makikita sa unang bahagi ay ay ang mga Clefs. Ang G clef o treble clef at F clef o bass clef. Usually, nakikita ang G clef at ito ay gamit sa mga mataas na tunugan. Ang F cleff naman ay sa mababang tunugan at makikita sa isang Grand Staff kung tawagin.
Narito ang mga katumbas na nota sa bawat lines ng G clef
mas magandang makabisado mo ang bawat pwesto ng notes para sa mabilis na pagbasa ng musika. ak ak may memorization talaga pero madali naman.
Ayon sa aking guro dati mas madali daw makabisado ang mga nota sa isang Staff kung gagamitin mismo ang mga daliri ng iyong kamay. Ito po ang isang halimbawa.. Pero di naman kailangan na sulatan mo rin ang bawat daliri mo tulad ng ginawa ko. Ito ay paraan lamang para maipakita ko sa inyo ang idea na ito.
( pagpasensyahan niyo na ang kamay ko hindi pang model pero ang importante ay yung notes. yung Mi=E , So/Sol= G , Si/Ti= B , Re=D , Fa= F)
at yung space sa bawat daliri ay FACE. :)
0 comments:
Post a Comment